The Bible Software
bible.software › 1 Mga Cronica › 1 Mga Cronica 15 › 1 Mga Cronica 15:29

1 Mga Cronica 15:29

At nangyari, samantalang ang kaban ng tipan ng Panginoon ay dumarating sa bayan ni David, na si Michal na anak ni Saul ay tumanaw sa dungawan, at nakita niya ang haring David na sumasayaw at tumutugtog; at kaniyang niwalang kabuluhan siya sa kaniyang puso.

Philippine Bible Society (1905)

In The King James Version

And it came to pass, as the ark of the covenant of the LORD came to the city of David, that Michal the daughter of Saul looking out at a window saw king David dancing and playing: and she despised him in her heart.

In Context

28Gayon iniahon ng buong Israel ang kaban ng tipan ng Panginoon na may mga hiyawan, at may mga tunog ng korneta, at mga pakakak, at may mga simbalo, na tumutunog ng malakas na may mga salterio at mga alpa.

Read all of 1 Mga Cronica 15

Cross References

Numbers 10:33At sila'y nagsisulong mula sa bundok ng Panginoon ng tatlong araw na paglalakbay; at ang kaban ng tipan ng Panginoon ay nasa unahan nila ng tatlong araw nilang paglalakbay, upang ihanap sila ng dakong kanilang mapagpapahingahan.

Joshua 4:7At inyo ngang sasabihin sa kanila, Sapagka't ang tubig ng Jordan ay nahawi sa harap ng kaban ng tipan ng Panginoon; nang magdaan yaon sa Jordan, ay nahawi ang tubig sa Jordan: at ang mga batong ito ay magiging pinaka alaala sa mga anak ni Israel magpakailan man.

1 Samuel 4:3At nang ang bayan ay dumating sa kampamento, ay sinabi ng mga matanda sa Israel, Bakit sinaktan tayo ngayon ng Panginoon sa harap ng mga Filisteo? Ating dalhin sa atin ang kaban ng tipan ng Panginoon mula sa Silo, upang mapasa gitna natin yaon, at iligtas tayo sa kamay ng ating mga kaaway.

1 Samuel 19:11At nagsugo si Saul ng mga sugo sa bahay ni David, upang siya'y bantayan, at siya'y patayin sa kinaumagahan: at sinaysay sa kaniya ni Michal na asawa ni David, na sinasabi, Kundi mo iligtas ang iyong buhay ngayong gabi bukas ay papatayin ka.

2 Samuel 3:13At kaniyang sinabi, Mabuti; ako'y makikipagtipan sa iyo; nguni't isang bagay ang hinihiling ko sa iyo, na ito nga: huwag mong titingnan ang aking mukha, maliban na iyo munang dalhin si Michal na anak na babae ni Saul, pagparito mo upang tingnan ang aking mukha.

2 Samuel 6:20Nang magkagayo'y bumalik si David upang basbasan ang kaniyang sangbahayan. At si Michal na anak ni Saul ay lumabas na sinalubong si David, at sinabi, Pagkaluwalhati ngayon ng hari sa Israel, na siya'y naghubad ngayon sa mga mata ng mga babaing lingkod ng kaniyang mga lingkod, na gaya ng naghuhubad na kahiyahiya ang isang walang kabuluhang tao.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Portuguesa MundialLuther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)新标点和合本성경 (한국어)الكتاب المقدس باللغة العربية، فان دايكBibbia Diodati (Italiano)Kinh Thánh (Tiếng Việt)Biblia Cornilescu (Română)Polish Biblia Gdanska (1881)Statenvertaling (Nederlands)

Study 1 Mga Cronica 15:29

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← 1 Mga Cronica 15:281 Mga Cronica 15