1 Mga Cronica 27:1
Ang mga anak nga ni Israel ayon sa kanilang bilang, sa makatuwid baga'y ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang at ang mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng dadaanin, at ang kanilang mga pinuno na nangaglilingkod sa hari, sa anomang bagay sa mga bahagi ng pumapasok at lumalabas buwan-buwan sa lahat ng mga buwan ng taon, sa bawa't bahagi ay dalawang pu't apat na libo.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 18:25At pumili si Moises ng mga lalaking bihasa sa buong Israel, at ginawa niyang pangulo sa bayan, na mga puno ng lilibuhin, mga puno ng dadaanin, mga puno ng lilimangpuin, at mga puno ng sasangpuin.
Joshua 23:1At nangyari pagkaraan ng maraming araw, nang mabigyan ng Panginoon ng kapahingahan ang Israel sa lahat nilang mga kaaway sa palibot, at si Josue ay matanda na at puspos ng mga taon;
2 Samuel 23:8Ito ang mga pangalan ng mga makapangyarihang lalake na nasa kay David: Si Josebbasebet na Tachemonita, na pinuno ng mga kapitan; na siya ring si Adino na Eznita, na siyang dumaluhong laban sa walong daan na nangapatay ng paminsan.
1 Kings 4:27At ipinag-imbak ng mga katiwalang yaon ng pagkain ang haring Salomon, at ang lahat na naparoon sa dulang ng haring Salomon, bawa't isa'y sa kaniyang buwan: walang nagkulang na anoman.
1 Chronicles 11:10Ang mga ito ang mga pinuno ng mga makapangyarihang lalake na nasa kay David, na napakilala na malakas na kasama niya sa kaniyang kaharian, na kasama ng buong Israel, upang gawin siyang hari, ayon sa salita ng Panginoon tungkol sa Israel.
1 Chronicles 28:1At pinulong ni David ang lahat na prinsipe sa Israel, ang mga prinsipe ng mga lipi, at ang mga punong kawal ng mga pulutong na nagsisipaglingkod sa hari ayon sa halinhinan, at ang mga punong kawal ng lilibuhin, at ang mga punong kawal ng dadaanin, at ang mga katiwala sa lahat ng tinatangkilik at pag-aari ng hari at ng kaniyang mga anak, na kasama ng mga pinuno at ng mga makapangyarihang lalake, lahat na makapangyarihang lalaking matapang, sa Jerusalem.