1 Mga Cronica 5:26
At hinikayat ng Dios ng Israel ang diwa ni Phul na hari sa Asiria, at ang diwa ni Tilgath-pilneser na hari sa Asiria, at dinalang bihag sila, sa makatuwid baga'y ang mga Rubenita, at ang mga Gadita, at ang kalahati ng lipi ni Manases, at dinala hanggang sa Hala, at sa Habor, at sa Hara, at sa ilog ng Gozan, hanggang sa araw na ito.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 15:19Naparoon laban sa lupain si Phul na hari sa Asiria; at binigyan ni Manahem si Phul ng isang libong talentong pilak, upang ang kamay niya'y sumakaniya, upang pagtibayin ang kaharian sa kaniyang kamay.
2 Kings 16:7Sa gayo'y nagsugo si Achaz ng mga sugo kay Tiglath-pileser na hari sa Asiria, na ipinasabi, Ako ang iyong lingkod at ang iyong anak: ikaw ay umahon, at iligtas mo ako sa kamay ng hari sa Siria at sa kamay ng hari sa Israel, na bumabangon laban sa akin.
2 Kings 18:11At dinala ng hari sa Asiria ang Israel sa Asiria, at inilagay sa Hala, at sa Habor, sa ilog ng Gozan, at sa mga bayan ng mga Medo:
1 Chronicles 5:6Si Beera na kaniyang anak, na dinalang bihag ni Tilgath-pilneser na hari sa Asiria: siya'y prinsipe ng mga Rubenita.
2 Chronicles 30:6Sa gayo'y ang mga mangdadala ng sulat ay nagsiyaong dala ang sulat na mula sa hari at sa kaniyang mga prinsipe sa buong Israel at Juda, at ayon sa utos ng hari, na sinasabi, Kayong mga anak ni Israel manumbalik kayo sa Panginoon, sa Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel, upang siya'y manumbalik sa nalabi na nakatanan sa inyo na mula sa kamay ng mga hari sa Asiria.
Ezra 1:5Nang magkagayo'y nagsibangon ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Juda at Benjamin, at ang mga saserdote, at ang mga Levita, sa makatuwid baga'y lahat na ang diwa'y kinilos ng Dios na magsiahong itayo ang bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem.