1 Mga Cronica 6:8
At naging anak ni Achitob si Sadoc, at naging anak ni Sadoc si Achimaas;
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
And Ahitub begat Zadok, and Zadok begat Ahimaaz,
In Context
7Naging anak ni Meraioth si Amarias, at naging anak ni Amarias si Achitob;
9At naging anak ni Achimaas si Azarias, at naging anak ni Azarias si Johanan;
Cross References
2 Samuel 15:27Sinabi rin ng hari kay Sadoc na saserdote, Hindi ka ba tagakita? bumalik kang payapa sa bayan, at ang iyong dalawang anak na kasama ninyo, si Ahimaas na iyong anak, at si Jonathan na anak ni Abiathar.
2 Samuel 17:15Nang magkagayo'y sinabi ni Husai kay Sadoc at kay Abiathar na mga saserdote. Ganito't ganito ang ipinayo ni Achitophel kay Absalom at sa mga matanda sa Israel; at ganito't ganito ang aking ipinayo.
2 Samuel 17:20At ang mga bataan ni Absalom ay nagsidating sa babae sa bahay; at kanilang sinabi, Saan nandoon si Ahimaas at si Jonathan? At sinabi ng babae sa kanila, Sila'y tumawid sa batis ng tubig. At nang kanilang mahanap at hindi nila masumpungan ay bumalik sila sa Jerusalem.
2 Samuel 18:22Nang magkagayo'y nagsabi pa uli si Ahimaas na anak ni Sadoc kay Joab, Nguni't sa anomang kahinatnan, isinasamo ko sa iyo, na ako naman ay iyong patakbuhin na kasunod ng Cusita. At sinabi ni Joab, Bakit tatakbo ka, anak ko, dangang wala kang mapapala ng dahil sa balita?
2 Samuel 20:25At si Seba ay kalihim: at si Sadoc at si Abiathar ay mga saserdote:
1 Kings 1:34At pahiran siya ng langis doon ni Sadoc na saserdote at ni Nathan na propeta na maging hari sa Israel: at kayo'y magsihihip ng pakakak, at magsipagsabi, Mabuhay ang haring si Salomon.