1 Juan 2:17
At ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon; datapuwa't ang gumagawa ng kalooban ng Dios ay nananahan magpakailan man.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 39:6Tunay na bawa't tao ay lumalakad sa walang kabuluhang lilim: tunay na sila'y nagugulo ng walang kabuluhan: kaniyang ibinubunton ang mga kayamanan, at hindi nalalaman kung sinong nagsisipulot.
Psalms 90:9Sapagka't lahat naming kaarawan ay dumaan sa iyong poot: aming niwawakasan ang aming mga taon na parang isang buntong hininga.
Psalms 125:1Silang nagsisitiwala sa Panginoon ay parang bundok ng Sion, na hindi maaaring makilos, kundi nananatili magpakailan man.
Proverbs 10:25Pagka ang ipoipo ay dumadaan ay nawawala ang masama: nguni't ang matuwid ay walang hanggang patibayan.
Matthew 7:21Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.
Matthew 24:35Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.