1 Samuel 16:13
Nang magkagayo'y kinuha ni Samuel ang sungay ng langis, at pinahiran siya sa gitna ng kaniyang mga kapatid: at ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang suma kay David mula sa araw na yaon hanggang sa haharapin. Gayon bumangon si Samuel at napasa Rama.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 11:17At ako'y bababa at makikipag-usap sa iyo doon; at ako'y kukuha sa Espiritung sumasaiyo at aking isasalin sa kanila; at kanilang dadalhin ang pasan ng bayan na kasama mo, upang huwag mong dalhing magisa.
Judges 3:10At ang Espiritu ng Panginoon ay sumakaniya, at siya'y naghukom sa Israel; at siya'y lumabas na nakibaka, at ibinigay ng Panginoon si Chusan-risathaim na hari sa Mesopotamia sa kaniyang kamay: at ang kaniyang kamay ay nanaig laban kay Chusan-risathaim.
Judges 13:25At pinasimulang kinilos siya ng Espiritu ng Panginoon sa Mahanedan, sa pagitan ng Sora at Esthaol.
1 Samuel 1:19At sila'y bumangong maaga ng kinaumagahan, at sumamba sa Panginoon, at bumalik, at umuwi sa kanilang bahay sa Ramatha; at nakilala ni Elcana si Ana na kaniyang asawa; at inalaala siya ng Panginoon.
1 Samuel 10:6At ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang sasaiyo, at manghuhula kang kasama nila, at ikaw ay magiging ibang lalake.
1 Samuel 10:10At nang sila'y dumating doon sa burol, narito, isang pulutong na mga propeta ay nasasalubong niya; at ang Espiritu ng Dios ay makapangyarihang suma kaniya, at siya'y nanghula sa gitna nila.