1 Samuel 20:8
Kaya pagmagandahang loob mo ang iyong lingkod; sapagka't iyong dinala ang iyong lingkod sa isang tipan ng Panginoon sa iyo; nguni't kung magtaglay ako ng kasamaan, patayin mo ako; sapagka't bakit mo pa dadalhin ako sa iyong ama?
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 24:49At ngayon, kung inyong mamagandahing loob at mamatapatin sa aking panginoon ay sabihin ninyo sa akin: at kung hindi, ay sabihin din ninyo sa akin; upang pumihit ako sa kanan o sa kaliwa.
Joshua 2:14At sinabi ng mga lalake sa kaniya, Ang aming buhay ay ilalagak namin sa inyo, kung hindi ninyo ihahayag itong aming pakay; at mangyayari, na pagka ibinigay sa amin ng Panginoon ang lupain, kami ay magmamagandang loob at magtatapat sa inyo.
Ruth 1:8At sinabi ni Noemi sa kaniyang dalawang manugang, Kayo'y yumaon, na bumalik ang bawa't isa sa inyo sa bahay ng kaniyang ina: gawan nawa kayo ng magaling ng Panginoon, na gaya ng inyong ginawa sa mga namatay at sa akin.
1 Samuel 18:3Nang magkagayo'y si Jonathan at si David ay nagtibay ng isang tipan, sapagka't minahal niya siya na gaya ng kaniyang sariling kaluluwa.
1 Samuel 23:18At silang dalawa ay nagtipanan sa harap ng Panginoon: at si David ay tumahan sa gubat, at si Jonathan ay umuwi sa kaniyang bahay.
1 Chronicles 12:17At si David ay lumabas na sinalubong sila, at sumagot at nagsabi sa kanila, Kung kayo'y nagsisiparitong payapa sa akin upang tulungan ako, ang aking puso ay malalakip sa inyo: nguni't kung upang pagliluhan ako sa aking mga kaaway, dangang walang kasamaan sa aking mga kamay, masdan ng Dios ng ating mga magulang, at sawayin.