1 Samuel 7:12
Nang magkagayo'y kumuha si Samuel ng isang bato, at inilagay sa pagitan ng Mizpa at ng Sen, at tinawag ang pangalan niyaon na Ebenezer, na sinasabi, Hanggang dito'y tinulungan tayo ng Panginoon.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 22:14At pinanganlan ni Abraham ang dakong yaon, ng Jehova-jireh: gaya ng kasabihan hanggang sa araw na ito: Sa bundok ng Panginoon ay mahahanda.
Genesis 31:45At kumuha si Jacob ng isang bato, at itinindig na pinakaalaala.
Exodus 17:15At nagtayo si Moises ng isang dambana, at pinanganlang Jehovanissi.
Joshua 4:20At yaong labing dalawang bato, na kanilang kinuha sa Jordan, ay ibinunton ni Josue sa Gilgal.
1 Samuel 4:1At ang salita ni Samuel ay dumating sa buong Israel, Ngayo'y lumabas ang Israel laban sa mga Filisteo upang makipagbaka, at humantong sa Ebenezer: at ang mga Filisteo ay humantong sa Aphec.
Psalms 71:6Sa pamamagitan mo ay naalalayan ako mula sa bahay-bata: ikaw ang kumuha sa akin sa tiyan ng aking ina: ang pagpuri ko'y magiging laging sa iyo.