1 Samuel 8:7
At sinabi ng Panginoon kay Samuel, Dinggin mo ang tinig ng bayan sa lahat ng kanilang sinasabi sa iyo; sapagka't hindi ikaw ang kanilang itinakuwil, kundi itinakuwil nila ako, upang huwag akong maghari sa kanila.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 22:20At ang Dios ay naparoon kay Balaam nang kinagabihan, at nagsabi sa kaniya, Kung ang mga taong iyan ay nagsiparito, upang tawagin ka ay bumangon ka, sumama ka sa kanila: nguni't ang salita lamang na aking sasalitain sa iyo, ay siya mong gagawin.
1 Samuel 10:19Nguni't itinakuwil ninyo sa araw na ito ang inyong Dios, na siyang nagligtas sa inyo sa lahat ng mga inyong kasakunaan at mga kapighatian; at sinabi ninyo sa kaniya, Hindi, kundi lagyan mo kami ng isang hari. Ngayon nga'y humarap kayo sa Panginoon ayon sa inyoinyong mga lipi, at ayon sa inyong mga libolibo.
1 Samuel 12:12At nang makita ninyo na si Naas na hari ng mga anak ni Ammon ay naparito laban sa inyo, ay inyong sinabi sa akin, Hindi, kundi isang hari ang maghahari sa amin; dangang ang Panginoon ninyong Dios ay siya ninyong hari.
Psalms 81:11Nguni't hindi nakinig sa aking tinig ang bayan ko; at hindi ako sinunod ng Israel.
Hosea 13:10Saan nandoon ngayon ang iyong hari upang mailigtas ka niya sa lahat ng iyong bayan? at ang iyong mga hukom, na iyong pinagsasabihan, Bigyan mo ako ng hari at mga prinsipe?
Matthew 10:40Ang tumatanggap sa inyo ay ako ang tinatanggap, at ang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang nagsugo sa akin.