2 Mga Cronica 13:15
Nang magkagayo'y nagsihiyaw ang mga lalake ng Juda: at habang nagsisihiyaw ang mga anak ng Juda, nangyari, na sinaktan ng Dios si Jeroboam at ang buong Israel sa harap ni Abias at ng Juda.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 6:16At nangyari, sa ikapito, nang humihip ng mga pakakak ang mga saserdote, ay sinabi ni Josue sa bayan, Humiyaw kayo; sapagka't ibinigay na ng Panginoon sa inyo ang bayan.
Joshua 11:8At ibinigay sila ng Panginoon sa kamay ng Israel, at sinaktan nila, at hinabol nila sila hanggang sa malaking Sidon, at hanggang sa Misrephoth-maim, at hanggang sa libis ng Mizpa, sa dakong silanganan; at sinaktan nila sila hanggang sa wala silang iniwan sa kanila nalabi.
Judges 7:18Pagka ako'y hihihip ng pakakak, ako at lahat na kasama ko, ay humihip nga naman kayo ng mga pakakak, sa buong palibot ng buong kampamento, at sabihin ninyo, Ang tabak ng Panginoon at ni Gedeon.
2 Chronicles 14:11At si Asa ay dumaing sa Panginoon niyang Dios, at kaniyang sinabi, Panginoon, walang iba liban sa iyo na makatutulong, sa pagitan ng makapangyarihan at niya na walang lakas: tulungan mo kami, Oh Panginoon naming Dios: sapagka't kami ay nagsisitiwala sa iyo, at sa iyong pangalan ay kami nagsisiparito laban sa karamihang ito. Oh Panginoon, ikaw ay aming Dios; huwag mong panaigin ang tao laban sa iyo.
2 Chronicles 20:21At nang siya'y makakuhang payo sa bayan, kaniyang inihalal sa kanila ang magsisiawit sa Panginoon at magsisipuri sa ganda ng kabanalan habang sila'y nagsisilabas na nagpapauna sa hukbo at magsipagsabi, Mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man.
Psalms 47:1Oh ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan; magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay.