2 Mga Cronica 20:28
At sila'y nagsiparoon sa Jerusalem na may mga salterio at mga alpa, at mga pakakak sa bahay ng Panginoon.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
And they came to Jerusalem with psalteries and harps and trumpets unto the house of the LORD.
In Context
Cross References
1 Chronicles 13:8At si David at ang buong Israel ay tumugtog sa harap ng Dios ng kanilang buong lakas: sa pamamagitan ng mga awit, at ng mga alpa, at ng mga salterio, at ng mga pandereta at ng mga simbalo, at ng mga pakakak.
1 Chronicles 25:6Lahat ng mga ito'y nangasa ilalim ng kapangyarihan ng kanilang ama sa pagawit sa bahay ng Panginoon, na may mga simbalo, mga salterio, at mga alpa, sa paglilingkod sa bahay ng Dios; sa ilalim ng kapangyarihan ng hari, sa makatuwid baga'y si Asaph, si Jeduthun, at si Heman.
Psalms 92:3Na may panugtog na may sangpung kawad, at may salterio; na may dakilang tunog na alpa.
Psalms 149:3Purihin nila ang kaniyang pangalan sa sayaw: magsiawit sila ng mga pagpuri sa kaniya na may pandereta at alpa.
Revelation 14:2At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malakas na kulog: at ang tinig na aking narinig ay gaya ng sa mga manunugtog ng alpa na tumutugtog ng kanilang mga alpa: