2 Mga Cronica 20:7
Di mo ba pinalayas, Oh aming Dios, ang mga nananahan sa lupaing ito sa harap ng iyong bayang Israel, at iyong ibinigay sa binhi ni Abraham na iyong kaibigan magpakailan man?
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
8At nagsitahan sila roon at ipinagtayo ka ng santuario roon na ukol sa iyong pangalan, na sinasabi,
Cross References
Genesis 13:15Sapagka't ang buong lupaing iyong natatanaw ay ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi magpakaylan man.
Exodus 6:7At kayo'y aking aariin na pinakabayan ko at ako'y magiging sa inyo'y Dios, at inyong makikilala na ako'y si Jehova ninyong Dios, na naglalabas sa inyo sa ilalim ng mga atang sa mga Egipcio.
Exodus 20:2Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin.
Deuteronomy 4:38Upang palayasin sa harap mo ang mga bansang lalong malalaki at lalong makapangyarihan kay sa iyo, upang ikaw ay kaniyang papasukin, na ibigay sa iyo na pinakamana ang kanilang lupain, gaya sa araw na ito.
Joshua 23:9Sapagka't pinalayas ng Panginoon sa harap ninyo ang mga malaking bansa at malakas: nguni't tungkol sa inyo, ay walang tao na tumayo sa harap ninyo hanggang sa araw na ito.
Joshua 24:13At aking binigyan kayo ng lupain na hindi ninyo binukid, at ng mga bayang hindi ninyo itinayo, at inyong tinatahanan; at mga ubasan at mga olibohan na hindi ninyo itinanim ay inyong kinakain.