2 Mga Cronica 21:13
Kundi ikaw ay lumakad ng mga lakad ng mga hari sa Israel, at iyong pinasamba sa diosdiosan ang Juda at ang mga nananahan sa Jerusalem, gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab; at iyo rin namang pinatay ang iyong mga kapatid sa sangbahayan ng iyong ama, na lalong mabuti kay sa iyo:
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 42:21At sila'y nagsabisabihan, Katotohanang tayo'y salarin tungkol sa ating kapatid, sapagka't nakita natin ang kahapisan ng kaniyang kaluluwa, nang namamanhik sa atin, at hindi natin siya dininig; kaya't dumarating sa atin ang kahapisang ito.
Deuteronomy 31:16At sinabi ng Panginoon kay Moises, Narito, ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga magulang; at ang bayang ito'y babangon, at sasamba sa kakaibang mga dios sa lupain, na kanilang pinaroroonan upang sumagitna nila, at ako'y pababayaan, at sisirain ang aking tipan na aking ipinakipagtipan sa kanila.
1 Kings 2:31At sinabi ng hari sa kaniya, Gawin kung paano ang sinabi niya, at daluhungin mo siya, at ilibing mo siya; upang iyong maalis ang dugo na ibinubo ni Joab ng walang kadahilanan sa akin at sa sangbahayan ng aking ama.
1 Kings 16:25At gumawa si Omri ng masama sa paningin ng Panginoon, at gumawa ng masama na higit kay sa lahat na nauna sa kaniya.
1 Kings 16:33At gumawa si Achab ng Asera; at gumawa pa ng higit si Achab upang mungkahiin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, sa galit kay sa lahat ng mga hari sa Israel na nauna sa kaniya.
2 Chronicles 21:4Nang si Joram nga ay bumangon sa kaharian ng kaniyang ama, at lumakas, ay kaniyang pinatay ng tabak ang lahat niyang mga kapatid, at gayon din ang iba sa mga prinsipe ng Israel.