2 Mga Cronica 21:20
May tatlongpu't dalawang taon siya nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y naghari sa Jerusalem na walong taon: at siya'y nanaw na walang nagnasang pumigil; at inilibing nila siya sa bayan ni David, nguni't hindi sa mga libingan ng mga hari.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 24:25At nang kanilang lisanin siya, (sapagka't iniwan nila siya sa maraming mga sakit,) ang kaniyang sariling mga lingkod ay nagsipagbanta laban sa kaniya dahil sa dugo ng mga anak ni Joiada na saserdote, at pinatay siya sa kaniyang higaan, at siya'y namatay: at inilibing nila siya sa bayan ni David, nguni't hindi inilibing nila siya sa mga libingan ng mga hari.
2 Chronicles 28:27At si Achaz ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at inilibing nila siya sa bayan, sa Jerusalem; sapagka't hindi nila dinala siya sa mga libingan ng mga hari sa Israel: at si Ezechias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
Proverbs 10:7Ang alaala sa ganap ay pinagpapala: nguni't ang pangalan ng masama ay mapaparam.
Jeremiah 22:28Ito bagang lalaking si Conias ay isang sisidlang basag na walang kabuluhan? siya baga'y sisidlan na hindi kinaluluguran? bakit kanilang itinataboy, siya at ang kaniyang angkan, at itinapon sa lupain na hindi nila kilala?