2 Mga Cronica 25:23
At kinuha ni Joas na hari sa Israel si Amasias na hari sa Juda, na anak ni Joas, na anak ni Joachaz, sa Beth-semes, at dinala siya sa Jerusalem, at ibinagsak ang kuta ng Jerusalem mula sa pintuang-bayan ng Ephraim hanggang sa pintuang-bayan ng sulok, na apat na raang siko.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 21:17At sila'y nagsiahon laban sa Juda, at nagpumilit doon, at dinala ang lahat na pag-aari na nasumpungan sa bahay ng hari, at pati ang mga anak niya, at ang mga asawa niya; na anopa't walang naiwang anak sa kaniya, liban si Joachaz na bunso sa kaniyang mga anak.
2 Chronicles 22:6At siya'y bumalik upang magpagaling sa Jezreel ng mga sugat na isinugat nila sa kaniya sa Rama, ng siya'y makipaglaban kay Hazael na hari sa Siria. At si Azarias na anak ni Joram na hari sa Juda ay lumusong upang tingnan si Joram na anak ni Achab sa Jezreel, sapagka't siya'y may sakit.
2 Chronicles 33:11Kaya't dinala ng Panginoon sa kanila ang mga punong kawal ng hukbo ng hari sa Asiria, na siyang nagdala kay Manases na may mga tanikala, at ginapos siya ng mga damal, at nagdala sa kaniya sa Babilonia.
2 Chronicles 36:10At sa pagpihit ng taon, si Nabucodonosor ay nagsugo, at dinala siya sa Babilonia, pati ng mga mainam na sisidlan ng bahay ng Panginoon at ginawang hari si Zedecias na kaniyang kapatid sa Juda at Jerusalem.
Nehemiah 12:39At sa ibabaw ng pintuang-bayan ng Ephraim, at sa matandang pintuang-bayan at sa pintuang-bayan ng mga isda, at sa moog ng Hananel, at sa moog ng Meah, hanggang sa pintuang-bayan ng mga tupa: at sila'y nagsitayong nangakatigil sa pintuang-bayan ng bantay.
Proverbs 29:23Ang kapalaluan ng tao ay magbababa sa kaniya: nguni't ang may mapagpakumbabang diwa ay magtatamo ng karangalan.