2 Mga Cronica 28:23
Sapagka't siya'y naghain sa mga dios ng Damasco, na sumakit sa kaniya: at sinabi niya, Sapagka't tinulungan sila ng mga dios ng mga hari sa Siria, kaya't ako'y maghahain sa kanila, upang tulungan nila ako. Nguni't sila ang naging kapahamakan niya at ng buong Israel.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 25:14Nangyari nga, pagkatapos na si Amasias ay manggaling na mula sa pagpatay sa mga Idumio na kaniyang dinala ang mga dios ng mga anak ni Seir, at inilagay na maging kaniyang mga dios, at yumukod sa harap ng mga yaon, at nagsunog ng kamangyan sa mga yaon.
Isaiah 45:20Kayo'y mangagpipisan at magsiparito; magsilapit kayong magkakasama, kayong mga nakatanan sa mga bansa: sila'y walang kaalaman na nangagdadala ng kahoy ng kanilang larawang inanyuan, at nagsisidalangin sa dios na hindi makapagliligtas.
Jeremiah 10:5Sila'y gaya ng puno ng palma, na binilog, at hindi nagsasalita: kinakailangang pasanin, sapagka't hindi makalakad. Huwag ninyong katakutan ang mga yaon, sapagka't hindi makagagawa ng kasamaan, ni wala ring magagawang mabuti.
Jeremiah 44:20Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias sa buong bayan, sa mga lalake, at sa mga babae sa buong bayan na nagbigay sa kaniya ng sagot na yaon, na nagsasabi,
Hosea 13:9Siyang iyong kapahamakan Oh Israel, na ikaw ay laban sa akin, laban sa iyong katulong.