2 Mga Cronica 29:25
At kaniyang inilagay ang mga Levita sa bahay ng Panginoon na may mga simbalo, may mga salterio, at may mga alpa, ayon sa utos ni David, at ni Gad na tagakita ng hari, at ni Nathan na propeta: sapagka't ang utos ay mula sa Panginoon sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 7:2Na sinabi ng hari kay Nathan na propeta: Tingnan mo ngayon ako'y tumatahan sa isang bahay na sedro, nguni't ang kaban ng Dios ay nanahanan sa loob ng mga tabing.
2 Samuel 12:1At sinugo ng Panginoon si Nathan kay David. At siya'y naparoon sa kaniya, at nagsabi sa kaniya, May dalawang lalake sa isang bayan; ang isa ay mayaman at ang isa ay mahirap.
1 Chronicles 9:33At ang mga ito ang mga mangaawit, na mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita, na mga nagsisitahan sa mga silid, at mga laya sa ibang katungkulan: sapagka't sila'y nangalalagay sa kanilang gawain araw at gabi.
1 Chronicles 16:4At siya'y naghalal ng ilan sa mga Levita upang magsipangasiwa sa harap ng kaban ng Panginoon, at upang magsipagdiwang at mangagpasalamat, at mangagpuri sa Panginoon, sa Dios ng Israel:
1 Chronicles 21:9At ang Panginoon ay nagsalita kay Gad na tagakita ni David, na sinasabi,
1 Chronicles 25:1Bukod dito'y si David at ang mga punong kawal ng hukbo ay nagsipaghiwalay sa paglilingkod ng ilan sa mga anak ni Asaph, at ni Heman, at ni Jeduthun; na magsisipuri na may mga alpa, at mga salterio, at may mga simbalo: at ang bilang ng nagsigawa ng ayon sa kanilang paglilingkod.