2 Mga Cronica 6:21
At dinggin mo ang mga samo ng iyong lingkod, at ng iyong bayang Israel, pagka sila'y dadalangin sa gawi ng dakong ito: oo, dinggin mo mula sa iyong tahanang dako, sa makatuwid baga'y mula sa langit; at pagka iyong narinig ay patawarin mo.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 30:27Nang magkagayo'y ang mga saserdote na mga Levita ay nagsitindig at binasbasan ang bayan: at ang kanilang tinig ay narinig, at ang kanilang dalangin ay umilanglang sa kaniyang banal na tahanan, hanggang sa langit.
Psalms 85:2Iyong pinatawad ang kasamaan ng iyong bayan, iyong tinakpan ang lahat nilang kasalanan, (Selah)
Psalms 130:3Kung ikaw, Panginoon, magtatanda ng mga kasamaan, Oh Panginoon, sinong tatayo?
Isaiah 18:4Sapagka't ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin, Ako'y tatahimik, at aking mamasdan mula sa aking dakong tahanan, gaya ng malinaw na init sa sikat ng araw, gaya ng ulap na hamog sa init ng pagaani.
Isaiah 44:22Aking pinawi na parang masinsing ulap ang iyong mga pagsalangsang, at, parang alapaap, ang iyong mga kasalanan: manumbalik ka sa akin; sapagka't tinubos kita.
Daniel 9:19Oh Panginoon, dinggin mo; Oh Panginoon, patawarin mo; Oh Panginoon, iyong pakinggan at gawin; huwag mong ipagpaliban, alangalang sa iyong sarili, Oh Dios ko, sapagka't ang iyong bayan at ang iyong mga tao ay tinatawag sa iyong pangalan.