2 Mga Cronica 8:13
Sa makatuwid baga'y ayon sa kailangan sa bawa't araw, na naghahandog ayon sa utos ni Moises, sa mga sabbath, at sa mga bagong buwan, at sa mga takdang kapistahan, na makaitlo sa isang taon, sa kapistahan ng tinapay na walang lebadura, at sa kapistahan ng mga sanglinggo, at sa kapistahan ng mga balag.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 29:38Ito nga ang iyong ihahandog sa ibabaw ng dambana: dalawang kordero ng unang taon araw-araw na palagi.
Numbers 28:1At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
1 Kings 9:25At makaitlo sa isang taon na naghahandog si Salomon ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan sa ibabaw ng dambana na kaniyang itinayo sa Panginoon, na pinagsusunugan niya ng kamangyan sa harap ng Panginoon. Ganoon niya niyari ang bahay.
Ezekiel 45:17At magiging tungkulin ng prinsipe na magbigay ng mga handog na susunugin, at ng mga handog na harina, at ng mga inuming handog, sa mga kapistahan, at sa mga bagong buwan, at sa mga sabbath, sa lahat ng takdang kapistahan ng sangbahayan ni Israel: siya'y maghahanda ng handog dahil sa kasalanan, at ng handog na harina, at ng handog na susunugin, at ng mga handog tungkol sa kapayapaan, upang ipangtubos sa sangbahayan ni Israel.