2 Corinto 13:2
Sinabi ko na nang una, at muling aking ipinagpapauna, gaya nang ako'y nahaharap ng ikalawa, gayon din ngayon, na ako'y wala sa harapan, sa mga nagkasala nang una, at sa mga iba pa, na kung ako'y pumariyang muli ay hindi ko na patatawarin;
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Corinthians 4:19Nguni't ako'y paririyan agad sa inyo, kung loloobin ng Panginoon; at aking aalamin, hindi ang salita ng nangagpapalalo, kundi ang kapangyarihan.
2 Corinthians 1:23Datapuwa't ang Dios ang tinatawag kong maging saksi sa aking kaluluwa, na upang huwag kayong papagdamdamin ay hindi muna ako napariyan sa Corinto.
2 Corinthians 10:8Sapagka't bagaman ako ay magmapuri ng marami tungkol sa aming kapamahalaan (na ibinigay ng Panginoon sa ikapagtitibay sa inyo, at hindi sa ikagigiba ninyo) ay hindi ako mapapahiya.
2 Corinthians 13:10Dahil dito'y sinusulat ko ang mga bagay na ito samantalang ako'y wala sa harapan, upang kung nasa harapan ay huwag akong gumamit ng kabagsikan, ayon sa kapamahalaang ibinibigay sa akin ng Panginoon sa ikatitibay, at hindi sa ikagigiba.