2 Mga Hari 12:21
Sapagka't sinaktan siya ni Josachar na anak ni Simaath, at ni Jozabad na anak ni Somer, na kaniyang mga lingkod, at siya'y namatay; at inilibing nila siya na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David: at naghari si Amasias na kaniyang anak na kahalili niya.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 15:27At si Baasa na anak ni Ahia, sa sangbahayan ni Issachar ay nagbanta laban sa kaniya; at sinaktan siya ni Baasa sa Gibbethon, na nauukol sa mga Filisteo; sapagka't kinukulong ni Nadab at ng buong Israel ang Gibbethon.
2 Kings 9:27Nguni't nang makita ito ni Ochozias na hari sa Juda, siya'y tumakas sa daan ng bahay sa halamanan. At si Jehu ay sumunod sa kaniya, at nagsabi, Saktan mo rin siya sa karo: at sinaktan nila siya sa ahunan sa Gur, na nasa siping ng Ibleam. At siya'y tumakas na napatungo sa Megiddo, at namatay roon.
2 Kings 14:1Nang ikalawang taon ni Joas na anak ni Joachaz na hari sa Israel ay nagpasimula si Amasias na anak ni Joas na hari sa Juda na maghari.
2 Kings 14:19At sila'y nagsipagbanta laban sa kaniya sa Jerusalem; at siya'y tumakas sa Lachis: nguni't pinasundan nila siya sa Lachis, at pinatay siya roon.
2 Chronicles 24:26At ang mga ito ang nagsipagbanta laban sa kaniya; si Zabad na anak ni Simath, na Ammonita, at si Jozabad na anak ni Simrith, na Moabita.