2 Mga Hari 13:6
Gayon ma'y hindi sila nagsihiwalay sa mga kasalanan ng sangbahayan ni Jeroboam, na ipinapagkasala sa Israel, kundi nilakaran nila: at nalabi ang Asera naman na Samaria).
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 7:5Kundi ganito ang inyong gagawin sa kanila; inyong igigiba ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputolputulin ang kanilang mga haligi na pinakaalaala at inyong ibubuwal ang kanilang mga Asera, at inyong susunugin sa apoy ang kanilang mga larawang inanyuan.
1 Kings 14:16At kaniyang pababayaan ang Israel dahil sa mga kasalanan ni Jeroboam, na kaniyang ipinagkasala, at ipinapagkasala sa Israel.
1 Kings 16:26Sapagka't siya'y lumakad sa buong lakad ni Jeroboam na anak ni Nabat, at sa kaniyang mga kasalanan na ipinapagkasala niya sa Israel, upang mungkahiin sa galit ang Panginoon, ang Dios ng Israel sa pamamagitan ng kanilang mga kalayawan.
2 Kings 10:29Gayon ma'y ang mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang pinapagkasala sa Israel, hindi mga hiniwalayan ni Jehu, sa makatuwid baga'y ang pagsunod sa mga guyang ginto na nangasa Beth-el, at nangasa Dan.
2 Kings 13:11At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon; siya'y hindi humiwalay sa lahat na kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang ipinapagkasala sa Israel; kundi kaniyang nilakaran.
2 Kings 17:20At itinakuwil ng Panginoon ang buong binhi ng Israel, at pinighati sila at ibinigay sila sa kamay ng mga mananamsam hanggang sa kaniyang pinalayas sila sa kaniyang paningin.