2 Samuel 10:18
At ang mga taga Siria ay nagsitakas sa harap ng Israel; at pumatay si David sa mga taga Siria ng mga tao ng pitong daang karo, at apat na pung libo na nangangabayo, at sinaktan si Sobach na kapitan sa kanilang hukbo, na anopa't namatay roon.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 4:22At, narito, sa paraang hinahabol ni Barac si Sisara, ay lumabas si Jael na sinalubong siya, at sinabi sa kaniya: Parito ka, at ituturo ko sa iyo ang lalake na iyong hinahanap. At siya'y naparoon sa kaniya, at, narito, si Sisara ay nakabulagtang patay, at ang tulos ay nasa kaniyang ulo.
2 Samuel 8:4At kinuha ni David sa kaniya ang isang libo at pitong daan na mangangabayo, at dalawang pung libo na naglalakad: at pinilayan ni David ang lahat ng mga kabayo ng mga karo, nguni't sa mga yaon ay nagtaan ng sa isang daang karo.
Psalms 18:38Aking sasaktan sila, na anopa't sila'y huwag makatayo: sila'y mangalulugmok sa ilalim ng aking mga paa.
Psalms 68:2Kung paanong napaparam ang usok ay gayon nangapaparam sila. Kung paanong natutunaw ang pagkit sa harap ng apoy, gayon mamatay ang masama sa harapan ng Dios.