bible.software › 2 Samuel › 2 Samuel 14 › 2 Samuel 14:6
2 Samuel 14:6
At ang iyong lingkod ay may dalawang anak, at silang dalawa'y nagaway sa parang at walang maghiwalay sa kanila, kundi sinaktan ng isa ang isa, at pinatay siya.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
And thy handmaid had two sons, and they two strove together in the field, and there was none to part them, but the one smote the other, and slew him.
In Context
5At sinabi ng hari sa kaniya, Anong mayroon ka? At siya'y sumagot: Sa katotohanan ako'y bao, at ang aking asawa ay patay na.
7At, narito, ang buong angkan ay bumangon laban sa iyong lingkod, at sila'y nagsabi, Ibigay mo siya na sumakit sa kaniyang kapatid, upang siya'y mapatay namin dahil sa buhay ng kaniyang kapatid na kaniyang pinatay, at sa gayo'y iwasak namin ang tagapagmana naman; ganito nila papatayin ang aking baga na nalabi; at walang iiwan sa aking asawa kahit pangalan o anomang labi sa balat ng lupa.
Read all of 2 Samuel 14
Cross References
Exodus 2:13At siya'y lumabas ng ikalawang araw, at, narito, na may dalawang lalaking Hebreo, na nagbababag: at kaniyang sinabi roon sa umaapi, Bakit mo sinasaktan ang iyong kasama?
2 Samuel 13:28At iniutos ni Absalom sa kaniyang mga lingkod na sinasabi, Tandaan ninyo ngayon, pagka ang puso ni Amnon ay sumaya dahil sa alak; at pagka ang aking sinabi sa inyo, Saktan ninyo si Amnon, patayin nga ninyo siya: huwag kayong mangatakot: hindi ba ako ang nagutos sa inyo? kayo nga'y magpakalakas, at magpakatapang.
This Verse In Other Editions
Study 2 Samuel 14:6