2 Samuel 19:10
At si Absalom na ating pinahiran ng langis, upang maging hari sa atin ay namatay sa pagbabaka. Ngayon nga'y bakit hindi kayo nagsasalita ng isang salita sa pagbabalik sa hari?
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 18:9At kanilang sinabi, Kayo'y bumangon at tayo'y umahon laban sa kanila: sapagka't aming nakita ang lupain, at, narito, napakabuti: at natatamad ba kayo? huwag kayong magmakupad na yumaon at pumasok upang ariin ang lupain.
2 Samuel 15:14At sinabi ni David sa lahat ng kaniyang mga lingkod na nasa kaniya sa Jerusalem, magsibangon kayo, at tayo'y magsitakas; sapagka't liban na rito ay walang makatatanan sa atin kay Absalom: mangagmadali kayo ng pagtakas, baka sa pagmamadali ay abutan tayo, at dalhan tayo ng kasamaan, at sugatan ang bayan ng talim ng tabak.
2 Samuel 18:14Nang magkagayo'y sinabi ni Joab, Hindi ako makatitigil ng ganito sa iyo. At siya'y kumuha ng tatlong pana sa kaniyang kamay at pinalagpas sa puso ni Absalom, samantalang siya'y buhay pa sa gitna ng ensina.