2 Samuel 2:1
At nangyari, pagkatapos nito, na nagusisa si David sa Panginoon, na nagsasabi, Aahon ba ako sa alinman sa mga bayan ng Juda? At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Umahon ka. At sinabi ni David, Saan ako aahon? At kaniyang sinabi, Sa Hebron.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 32:2At sinabi ni Jacob nang makita niya sila, Ito'y hukbo ng Dios: at tinawag niya ang pangalan ng dakong yaon na Mahanaim.
Numbers 27:21At siya'y tatayo sa harap ni Eleazar na saserdote, na siyang maguusisa tungkol sa kaniya, ng hatol ng Urim sa harap ng Panginoon: sa kaniyang salita, ay lalabas sila, at sa kaniyang salita, ay papasok sila, siya at ang lahat ng mga anak ni Israel na kasama niya, sa makatuwid baga'y ang buong kapisanan.
Joshua 15:13At kay Caleb na anak ni Jephone ay nagbigay siya ng isang bahagi sa gitna ng mga anak ni Juda, ayon sa utos ng Panginoon kay Josue, sa makatuwid baga'y ang Chiriath-arba, na siyang Arba na ama ni Anac (na siya ring Hebron).
1 Samuel 10:22Kaya't kanilang itinanong uli sa Panginoon, May lalake pa bang paririto? At ang Panginoon ay sumagot, Narito siya'y nagtago sa mga kasangkapan.
1 Samuel 23:4Nang magkagayo'y sumangguni uli si David sa Panginoon. At sumagot ang Panginoon sa kaniya at sinabi, Bumangon ka at lumusong ka sa Keila; sapagka't aking ibibigay ang mga Filisteo, sa iyong kamay.
1 Samuel 30:7At sinabi ni David kay Abiathar na saserdote, na anak ni Ahimelech, Isinasamo ko sa iyo na dalhin mo rito ang epod. At dinala doon ni Abiathar ang epod kay David.