2 Samuel 2:18
At nandoon ang tatlong anak ni Sarvia, si Joab, at si Abisai, at si Asael: at si Asael ay magaan ang paa na gaya ng mailap na usa.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 1:23Si Saul at si Jonathan ay nagibigan at nagmagandahang-loob sa kanilang kabuhayan. At sa kanilang kamatayan sila'y hindi naghiwalay; Sila'y lalong maliliksi kay sa mga agila, Sila'y lalong malalakas kay sa mga leon.
2 Samuel 23:24At si Asael na kapatid ni Joab ay isa sa tatlongpu; si Elhaanan na anak ni Dodo, na taga Bethlehem,
1 Chronicles 2:16At ang kanilang mga kapatid na babae si Sarvia at si Abigail. At ang mga naging anak ni Sarvia; si Abisai, at si Joab, at si Asael, tatlo.
1 Chronicles 12:8At sa mga Gadita ay nagsihiwalay na nagsilakip kay David sa katibayan sa ilang, ang mga makapangyarihang lalaking may tapang, na mga lalaking bihasa sa pakikidigma, na makahahawak ng kalasag at sibat; na ang mga mukha nila ay gaya ng mga mukha ng mga leon, at sila'y maliliksing gaya ng mga usa sa mga bundok;
1 Chronicles 27:7Ang ikaapat na pinuno sa ikaapat na buwan ay si Asael na kapatid ni Joab, at si Zebadias na kaniyang kapatid ang sumusunod sa kaniya: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.
Psalms 147:10Siya'y hindi nalulugod sa lakas ng kabayo: siya'y hindi nasasayahan sa mga paa ng tao.