Mga Gawa 23:6
Datapuwa't nang matalastas ni Pablo na ang isang bahagi ay mga Saduceo at ang iba'y mga Fariseo, ay sumigaw siya sa Sanedrin, Mga kapatid na lalake, ako'y Fariseo, anak ng mga Fariseo: ako'y sinisiyasat tungkol sa pagasa at pagkabuhay na maguli ng mga patay.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Matthew 10:16Narito, sinusugo ko kayong gaya ng mga tupa sa gitna ng mga lobo: mangagpakatalino nga kayong gaya ng mga ahas at mangagpakatimtimang gaya ng mga kalapati.
Acts 22:5Gaya rin naman ng pangulong saserdote na nagpapatotoo sa akin, at ang buong kapulungan ng matatanda: na sa kanila nama'y tumanggap ako ng mga sulat sa mga kapatid, at naglakbay ako sa Damasco upang dalhin ko namang mga gapos sa Jerusalem ang nangaroroon upang parusahan.
Acts 24:21Maliban na sa isang tinig na ito na aking isinigaw nang nakatayo sa gitna nila, Tungkol sa pagkabuhay na maguli ng mga patay ako'y pinaghahatulan sa harapan ninyo sa araw na ito.
Acts 28:20Sanhi sa dahilang ito tinawag ko kayo upang makipagkita at makipagusap sa akin: sapagka't dahil sa pagasa ng Israel ay nagagapos ako ng tanikalang ito.