Mga Gawa 7:35
Ang Moises na ito na kanilang itinakuwil, na sinasabi, Sino ang sa iyo'y naglagay na puno at hukom? ay siyang sinugo ng Dios na maging puno at tagapagligtas sa pamamagitan ng kamay ng anghel na sa kaniya'y napakita sa mababang punong kahoy.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 14:19At ang anghel ng Dios na nasa unahan ng kampamento ng Israel, ay humiwalay at napasa hulihan nila; at ang haliging ulap ay humiwalay sa harap nila at lumagay sa likod nila:
Exodus 23:20Narito, aking sinusugo ang isang anghel sa unahan mo, upang ingatan ka sa daan, at upang dalhin ka sa dakong aking inihanda sa iyo.
Exodus 33:2At aking susuguin ang isang anghel sa unahan mo: at aking palalayasin ang Cananeo, ang Amorrheo, at ang Hetheo, at ang Pherezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo:
Numbers 20:16At nang kami ay dumaing sa Panginoon ay dininig niya ang aming tinig, at nagsugo siya ng isang anghel, at inilabas kami sa Egipto: at, narito, kami ay nasa Cades, na isang bayan na nasa dulo ng iyong hangganan:
1 Samuel 10:27Nguni't sinabi ng ilang hamak na tao, Paanong ililigtas tayo ng taong ito? At kanilang niwalang kabuluhan at hindi nila dinalhan ng kaloob. Nguni't siya'y hindi umimik.
Nehemiah 9:10At nagpakita ka ng mga tanda at mga kababalaghan kay Faraon, at sa lahat niyang mga lingkod, at sa buong bayan ng kaniyang lupain; sapagka't iyong nakilala na sila'y nagsigawa na may kapalaluan laban sa kanila; at ipinagimbot mo ikaw ng pangalan gaya sa araw na ito.