Amos 3:2
Kayo lamang ang aking nakilala sa lahat ng angkan sa lupa: kaya't aking dadalawin sa inyo ang lahat ninyong kasamaan.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
3Makalalakad baga ang dalawa na magkasama, liban na sila'y magkasundo?
Cross References
Exodus 19:5Kaya't ngayon, kung tunay na inyong susundin ang aking tinig, at iingatan ang aking tipan, ay magiging isang tanging kayamanan nga kayo sa akin, na higit sa lahat ng bayan: sapagka't ang buong lupa ay akin;
Deuteronomy 7:6Sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios; pinili ka ng Panginoon mong Dios upang maging bayan sa kaniyang sariling pag-aari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa.
Deuteronomy 26:18At inihayag ka ng Panginoon sa araw na ito, na maging isang bayan sa kaniyang sariling pag-aari, gaya ng ipinangako niya sa iyo, upang iyong ganapin ang lahat ng kaniyang utos;
Psalms 147:19Kaniyang ipinabatid ang kaniyang salita sa Jacob, ang kaniyang mga palatuntunan at mga kahatulan sa Israel.
Jeremiah 1:15Sapagka't, narito, aking tatawagin ang lahat na angkan ng mga kaharian sa hilagaan, sabi ng Panginoon; at sila'y magsisiparoon, at sila'y maglalagay bawa't isa ng kanikaniyang luklukan sa pasukan ng mga pintuang-bayan ng Jerusalem, at laban sa lahat na kuta niyaon sa palibot, at laban sa lahat na bayan ng Juda.
Jeremiah 10:25Iyong ibuhos ang iyong kapusukan sa mga bansa na hindi nakakakilala sa iyo, at sa mga angkan na hindi nagsisitawag sa iyong pangalan; sapagka't kanilang sinakmal ang Jacob, oo, kanilang sinakmal siya, at nilipol siya, at sinira ang kaniyang tahanan.