Amos 4:9
Aking sinalot kayo ng pagkalanta at ng amag: ang karamihan ng inyong mga halaman, at ng inyong mga ubasan, at ng inyong mga igusan, at ng inyong mga olibohan ay nilipol ng tipaklong: gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 28:22Sasalutin ka ng Panginoon ng sakit na tuyo, at ng lagnat, at ng pamamaga, at ng nagaapoy na init, at ng tabak, at ng salot ng hangin, at ng sakit sa pagani; at kanilang hahabulin ka hanggang sa ikaw ay malipol.
1 Kings 8:37Kung magkaroon ng kagutom sa lupain, kung magkaroon ng salot, kung magkaroon ng pagkakatuyot, o amag, balang o tipaklong, kung kulungin sila ng kanilang kaaway sa lupain ng kanilang mga bayan; anomang salot, anomang sakit na magkaroon,
Job 36:8At kung sila'y mapapangaw, at mapipigil sa mga panali ng kapighatian;
Isaiah 9:12Ang mga taga Siria sa unahan, at ang mga Filisteo sa likuran; at kanilang lalamunin ang Israel ng bukang bibig. Sa lahat na ito ang kaniyang galit ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat.
Jeremiah 3:10At gayon ma'y sa lahat ng ito ay hindi bumalik sa akin ang taksil niyang kapatid na Juda, ng kaniyang buong puso, kundi paimbabaw, sabi ng Panginoon.
Hosea 11:5Sila'y hindi babalik sa lupain ng Egipto; kundi ang taga Asiria ay magiging kanilang hari, sapagka't sila'y nagsisitangging manumbalik sa akin.