Amos 5:13
Kaya't siya na mabait ay tatahimik sa panahong yaon; sapagka't masamang panahon.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
Therefore the prudent shall keep silence in that time; for it is an evil time.
In Context
Cross References
2 Kings 18:36Nguni't ang bayan ay tumahimik, at hindi sumagot ng kahit isang salita: sapagka't utos ng hari, na sinasabi, Huwag ninyong sagutin siya.
Psalms 38:14Oo, ako'y gaya ng tao na hindi nakakarinig, at sa kaniyang bibig ay walang mga kasawayan.
Ecclesiastes 9:12Sapagka't hindi rin nalalaman ng tao ang kaniyang kapanahunan: kung paano ang mga isda na nahuhuli sa masamang lambat, at kung paano ang mga ibon na nahuhuli sa bitag, gayon ang mga anak ng mga tao, ay nasisilo sa masamang kapanahunan, pagka biglang nahuhulog sa kanila.
Isaiah 37:3At sinabi nila sa kaniya, Ganito ang sabi ni Ezechias, Ang araw na ito ay kaarawan ng kabagabagan, at ng pagsaway, at ng paghamak: sapagka't ang mga anak ay dumating sa kapanganakan, at walang kalakasang ipanganak.
Amos 6:10At pagka itataas siya ng amain, sa makatuwid baga'y ng sumusunog sa kaniya, upang ilabas ang mga buto sa bahay, at sasabihin doon sa nasa pinakaloob ng bahagi ng bahay, May kasama ka pa bagang sinoman? at kaniyang sasabihin: Wala; kung magkagayo'y kaniyang sasabihin: Tumahimik ka; sapagka't hindi natin mababanggit ang pangalan ng Panginoon.
Micah 7:5Huwag kayong magsitiwala sa kalapit bahay; huwag kayong magkatiwala sa kaibigan; ingatan mo ang mga pinto ng inyong bibig sa kaniya na humihiga sa inyong sinapupunan.