Amos 5:22
Oo, bagaman inyong ihandog sa akin ang inyong mga handog na susunugin at mga handog na harina, hindi ko tatanggapin; ni akin mang kalulugdan ang mga handog tungkol sa kapayapaan na inyong mga matabang hayop.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 15:22At sinabi ni Samuel, Nagtataglay kaya ang Panginoon ng napakadakilang pagkatuwa sa mga handog na susunugin at sa mga hain, na gaya sa pagsunod ng tinig ng Panginoon? Narito, ang pagsunod ay maigi kay sa hain, at ang pagdinig kay sa taba ng mga tupang lalake.
Psalms 50:23Ang naghahandog ng haing pasasalamat ay lumuluwalhati sa akin; at sa kaniya na nagaayos ng kaniyang pakikipagusap aking ipakikita ang pagliligtas ng Dios.
Psalms 116:17Aking ihahandog sa iyo ang hain na pasalamat, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
Proverbs 21:27Ang hain ng masama ay karumaldumal: gaano pa nga, pagka kaniyang dinadala na may masamang isip!
Amos 4:4Magsiparoon kayo sa Beth-el, at magsisalangsang kayo; sa Gilgal, at paramihin ninyo ang pagsalangsang; at inyong dalhin ang inyong mga hain tuwing umaga, at ang inyong mga ikasangpung bahagi tuwing tatlong araw;