Amos 9:8
Narito, ang mga mata ng Panginoong Dios ay nasa makasalanang kaharian, at aking ipapahamak mula sa ibabaw ng lupa; liban na hindi ko lubos na ipapahamak ang sangbahayan ni Jacob, sabi ng Panginoon.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 7:4Sapagka't pitong araw pa, at pauulanan ko na ang ibabaw ng lupa ng apat na pung araw at apat na pung gabi, at aking lilipulin ang lahat ng may buhay na aking nilikha sa balat ng lupa.
Deuteronomy 6:15Sapagka't ang Panginoon mong Dios na nasa gitna mo, ay isang mapanibughuing Dios; baka ang galit ng Panginoon mong Dios ay magalab laban sa iyo, at ikaw ay kaniyang lipulin sa ibabaw ng lupa.
Psalms 11:4Ang panginoon ay nasa kaniyang banal na templo, ang Panginoon, ang kaniyang luklukan ay nasa langit; ang kaniyang mga mata ay nagmamalas, ang kaniyang mga talukap-mata ay nagmamasid, sa mga anak ng mga tao.
Proverbs 15:3Ang mga mata ng Panginoon ay nasa bawa't dako, na nagbabantay sa masama at sa mabuti.
Jeremiah 5:10Sampahin ninyo ang kaniyang mga kuta at inyong gibain; nguni't huwag kayong magsigawa ng lubos na kawakasan; alisin ninyo ang kaniyang mga sanga; sapagka't sila'y hindi sa Panginoon.
Jeremiah 31:35Ganito ang sabi ng Panginoon, na nagbibigay ng araw na sumisikat na pinakaliwanag sa araw, at ng mga ayos ng buwan at ng mga bituin na pinakaliwanag sa gabi, na nagpapakilos sa dagat, na humugong ang mga alon niyaon; ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan: