Daniel 11:27
At tungkol sa dalawang haring ito, ang kanilang mga puso ay magtataglay ng kasamaan, at sila'y mangagsasalita ng mga kabulaanan sa isang dulang: nguni't hindi giginhawa; sapagka't ang wakas ay magiging sa panahong takda pa.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 13:26Nang magkagayo'y sinabi ni Absalom, Kung hindi isinasamo ko sa iyo, pasamahin mo sa amin ang aking kapatid na si Amnon. At sinabi ng hari sa kaniya, Bakit siya sasama sa iyo?
Psalms 52:1Bakit ka naghahambog sa kasamaan, Oh makapangyarihang tao? Ang kagandahang-loob ng Dios ay palagi.
Psalms 62:9Tunay na walang kabuluhan ang mga taong may mababang kalagayan, at ang mga taong may mataas na kalagayan ay kabulaanan: sa mga timbangan ay sasampa sila; silang magkakasama ay lalong magaan kay sa walang kabuluhan.
Proverbs 12:20Pagdaraya ay nasa puso ng mga kumakatha ng kasamaan: nguni't sa mga tagapayo ng kapayapaan ay kagalakan.
Proverbs 23:6Huwag mong kanin ang tinapay niya na may masamang mata, ni nasain mo man ang kaniyang mga masarap na pagkain:
Jeremiah 9:3At pinamimilantik nila ang kanilang dila gaya ng kanilang busog, dahil sa kabulaanan; at sila'y nagsisitakas sa lupain, nguni't hindi para sa katotohanan: sapagka't sila'y nagpatuloy mula sa kasamaan hanggang sa kasamaan, at hindi nila ako nakikilala, sabi ng Panginoon.