Daniel 3:2
Nang magkagayo'y nagsugo si Nabucodonosor na hari upang pisanin ang mga satrapa, ang mga kinatawan, at ang mga gobernador, ang mga hukom, ang mga tagaingat-yaman, ang mga kasangguni, ang mga pinuno, at ang lahat na pinuno sa mga lalawigan upang magsiparoon sa pagtatalaga ng larawan na itinayo ni Nabucodonosor na hari.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 25:2Sapagka't kanilang tinawag ang bayan sa mga hain sa kanilang mga dios; at ang bayan ay kumain at yumukod sa kanilang mga dios.
1 Kings 12:32At si Jeroboam ay nagpadaos ng isang kapistahan nang ikawalong buwan, sa ikalabing limang araw ng buwan, gaya ng kapistahan sa Juda, at siya'y sumampa sa dambana; gayon ang ginawa niya sa Beth-el, na kaniyang hinahainan ang mga guya na kaniyang ginawa: at kaniyang inilagay sa Beth-el ang mga saserdote sa mataas na dako, na kaniyang mga inihalal.
Daniel 3:27At ang mga satrapa, ang mga kinatawan, at ang mga gobernador, at ang mga kasangguni ng hari na nangagkakapisan ay nakakita sa mga lalaking ito, na ang apoy ay hindi tumalab sa kanilang mga katawan, ni ang mga buhok man ng kanilang mga ulo ay nasunog, ni ang kanila mang mga suot ay nabago, ni nagamoy apoy man sila.
Daniel 6:6Nang magkagayo'y ang mga pangulo at mga satrapang ito ay nagpisan sa hari, at nagsabi ng ganito sa kaniya, Haring Dario, mabuhay ka magpakailan man.