Daniel 4:1
Si Nabucodonosor na hari, sa lahat na bayan, bansa, at wika, na nagsisitahan sa buong lupa: Kapayapaa'y managana sa inyo.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Chronicles 12:18Nang magkagayo'y ang Espiritu ay dumating kay Amasai, na siyang pinuno ng tatlongpu, at sinabi niya, Iyo kami, David, at para sa iyo, ikaw anak ni Isai: kapayapaan, kapayapaan ang sumaiyo, at kapayapaan ang sumaiyong mga katulong; sapagka't tinutulungan ka ng iyong Dios. Nang magkagayo'y tinanggap ni David sila, at ginawa silang mga pinunong kawal ng pulutong.
Ezra 5:7Sila'y nangagpadala ng isang sulat sa kaniya, na kinasusulatan ng ganito: Kay Dario na hari, buong kapayapaan.
Esther 8:9Nang magkagayo'y tinawag ang mga kalihim ng hari ng panahong yaon, sa ikatlong buwan, na siyang buwan ng Sivan, nang ikadalawang pu't tatlo niyaon; at nasulat ayon sa lahat na iniutos ni Mardocheo sa mga Judio at sa mga satrapa, at sa mga tagapamahala at mga prinsipe ng mga lalawigan na nandoon mula sa India hanggang sa Etiopia, na isang daan at dalawang pu't pitong lalawigan, sa bawa't lalawigan ayon sa sulat niyaon, at sa bawa't bayan ayon sa wika nila, at sa mga Judio ayon sa sulat nila, at ayon sa wika nila.
Daniel 3:29Kaya't nagpapasiya ako, na bawa't bayan, bansa, at wika, na magsalita ng anomang kapulaan laban sa Dios ni Sadrach, ni Mesach, at ni Abed-nego, pagpuputolputulin, at ang kanilang mga bahay ay gagawing dumihan: sapagka't walang ibang dios na makapagliligtas ng ganitong paraan.
Daniel 6:27Siya'y nagliligtas at nagpapalaya, at siya'y gumagawa ng mga tanda at mga kababalaghan sa langit at sa lupa, na siyang nagligtas kay Daniel mula sa kapangyarihan ng mga leon.
Zechariah 8:23Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Sa mga araw na yao'y mangyayari, na sangpung lalake sa lahat ng wika sa mga bansa ay magtatanganan, sila nga'y magsisitangan sa laylayan niya na Judio, na mangagsasabi, Kami ay magsisiyaong kasama mo, sapagka't aming narinig na ang Dios ay kasama mo.