Deuteronomio 10:8
Nang panahong yaon ay inihiwalay ng Panginoon ang lipi ni Levi, upang magdala ng kaban ng tipan ng Panginoon, upang tumayo sa harap ng Panginoon na mangasiwa sa kaniya, at upang magbasbas sa kaniyang pangalan hanggang sa araw na ito.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 29:1At ito ang bagay na iyong gagawin sa kanila na ibukod sila, upang sila'y mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote: kumuha ka ng isang guyang toro at ng dalawang lalaking tupang walang kapintasan.
Leviticus 9:22At itinaas ni Aaron ang kaniyang mga kamay sa dakong bayan at binasbasan niya; at bumaba siya na mula sa paghahandog ng handog dahil sa kasalanan, at ng handog na susunugin, at ng mga handog tungkol sa kapayapaan.
Numbers 3:1At ito ang mga lahi ni Aaron at ni Moises, nang araw na magsalita ang Panginoon kay Moises sa bundok ng Sinai.
Numbers 3:31At ang magiging katungkulan nila ay ang kaban, at ang dulang, at ang kandelero, at ang mga dambana, at ang mga kasangkapan ng santuario na kanilang pinangangasiwaan, at ang tabing at ang lahat ng paglilingkod doon.
Numbers 6:23Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak, na sasabihin, Sa ganitong paraan babasbasan ninyo ang mga anak ni Israel; inyong sasabihin sa kanila:
Numbers 8:5At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,