Deuteronomio 17:20
Upang ang kaniyang puso ay huwag magmataas sa kaniyang mga kapatid at siya'y huwag maligaw sa utos, maging sa kanan, o sa kaliwa: upang kaniyang maparami ang kaniyang mga araw sa kaniyang kaharian, niya, at ng kaniyang mga anak sa gitna ng Israel.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 4:2Huwag ninyong daragdagan ni babawasan ang salita na aking iniuutos sa inyo, upang inyong maingatan ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios na aking iniuutos sa inyo.
Deuteronomy 8:2At iyong aalalahanin ang buong paraan na ipinatnubay sa iyo ng Panginoon mong Dios nitong apat na pung taon sa ilang, upang kaniyang mapangumbaba ka, at subukin ka, na maalaman kung ano ang nasa iyong puso, kung iyong gaganapin ang kaniyang mga utos o hindi.
Deuteronomy 12:25Huwag mong kakanin yaon; upang ikabuti mo, at ng iyong mga anak pagkamatay mo, kung iyong gagawin ang matuwid sa paningin ng Panginoon.
Deuteronomy 12:32Kung anong bagay ang iniuutos ko sa iyo, ay siya mong isasagawa: huwag mong dadagdagan, ni babawasan.
1 Samuel 10:25Nang magkagayo'y sinaysay ni Samuel sa bayan ang paraan ng kaharian, at isinulat sa isang aklat, at inilagay sa harap ng Panginoon. At pinayaon ni Samuel ang buong bayan, na pinauwi bawa't tao sa kaniyang bahay.
1 Samuel 15:23Sapagka't ang panghihimagsik ay gaya ng kasalanan ng panghuhula, at ang katigasan ng ulo ay gaya ng pagsamba sa mga diosdiosan at sa mga terap. Sapagka't dahil sa iyong itinakuwil ang salita ng Panginoon, ay kaniya namang itinakuwil ka upang huwag ka nang maging hari.