Deuteronomio 24:4
Hindi na siya makukuhang muling maging asawa ng kaniyang unang asawa na humiwalay sa kaniya, pagkatapos na kaniyang mapangayupapa siya; sapagka't yao'y karumaldumal sa harap ng Panginoon: at huwag mong papagkakasalahin ang lupain na ibinibigay na pinakamana sa iyo ng Panginoon mong Dios.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 18:24Huwag kayong magpakarumi sa alin man sa mga bagay na ito; sapagka't lahat ng ito ay nangadumhan ang mga bansang aking palayasin sa harap ninyo:
Deuteronomy 20:16Nguni't sa mga bayan ng mga taong ito na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios na pinakamana, ay huwag kang magtitira ng may buhay sa anomang bagay na humihinga:
Jeremiah 3:1Kanilang sinabi, Kung ihiwalay ng lalake ang kaniyang asawa, at siya'y humiwalay sa kaniya, at mapasa ibang lalake, babalik pa baga uli ang lalake sa kaniya? hindi baga lubos na madudumhan ang lupaing yaon? Nguni't ikaw ay nagpatutot sa maraming nangingibig; gayon ma'y manumbalik ka uli sa akin, sabi ng Panginoon.