Deuteronomio 30:7
At lahat ng mga sumpang ito ng Panginoon mong Dios ay isasa iyong mga kaaway at sa kanila na nangapopoot sa iyo, na nagsiusig sa iyo.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 24:9Siya'y yumuko, siya'y lumugmok na parang leon, At parang isang leong babae; sinong gigising sa kaniya? Pagpalain nawa yaong lahat na nagpapala sa iyo, At sumpain yaong lahat na sumusumpa sa iyo.
Deuteronomy 7:15At ilalayo sa iyo ng Panginoon ang lahat ng sakit: at wala siyang ihuhulog sa inyo sa masamang sakit sa Egipto, na iyong nalalaman, kundi ihuhulog niya sa lahat ng nangapopoot sa iyo.
Isaiah 10:12Kaya't mangyayari, na pagka naisagawa ng Panginoon ang buo niyang gawain sa bundok ng Sion at sa Jerusalem, aking parurusahan ang kagagawan ng mapagmalaking loob na hari sa Asiria, at ang kaluwalhatian ng kaniyang mga mapagmataas na tingin.
Jeremiah 25:12At mangyayari, pagkaganap ng pitong pung taon, na aking parurusahan ang hari sa Babilonia, at ang bansang yaon, sabi ng Panginoon, dahil sa kaniyang kasamaan, at ang lupain ng mga Caldeo; at aking gagawing sira magpakailan man.
Jeremiah 30:16Kaya't silang lahat na nagsisilamon sa iyo ay mangalalamon; at lahat ng iyong kaaway, bawa't isa sa kanila'y magsisipasok sa pagkabihag; at silang nagsisisamsam sa iyo ay magiging samsam, at lahat ng nagsisihuli sa iyo ay aking ibibigay na huli.
Jeremiah 51:24At aking ilalapat sa Babilonia at sa lahat na nananahan sa Caldea ang buo nilang kasamaan na kanilang ginawa sa Sion sa inyong paningin, sabi ng Panginoon.