Deuteronomio 33:25
Ang iyong mga halang ay magiging bakal at tanso; At kung paano ang iyong mga kaarawan ay magkagayon nawa ang iyong lakas.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
Thy shoes shall be iron and brass; and as thy days, so shall thy strength be.
In Context
Cross References
Deuteronomy 8:9Lupain na kakainan mo ng tinapay na di kapos, na walang magkukulang sa iyo roon; lupain na ang mga bato ay bakal, at ang kaniyang mga burol ay makukunan mo ng tanso.
Joshua 14:11Gayon ma'y malakas pa ako sa araw na ito na gaya nang araw na suguin ako ni Moises: kung paano nga ang lakas ko noon, ay gayon ang lakas ko ngayon, sa pakikidigma, at gayon din sa paglalabas pumasok.
Psalms 138:3Nang araw na ako'y tumawag ay sinagot mo ako, iyong pinatapang ako ng kalakasan sa aking kaluluwa.
Isaiah 40:31Nguni't silang nangaghihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas; sila'y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila; sila'y magsisitakbo, at hindi mangapapagod; sila'y magsisilakad, at hindi manganghihina.
Luke 15:22Datapuwa't sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin, Dalhin ninyo ritong madali ang pinakamabuting balabal, at isuot ninyo sa kaniya; at lagyan ninyo ng singsing ang kaniyang kamay, at mga panyapak ang kaniyang mga paa:
2 Corinthians 12:9At siya'y nagsabi sa akin, Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagka't ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan. Kaya't bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Cristo.