Deuteronomio 4:1
At ngayon, Oh Israel, dinggin mo ang mga palatuntunan at ang mga kahatulan, na aking itinuturo sa inyo, upang sundin ninyo; upang kayo'y mabuhay, at pumasok, at inyong ariin ang lupain na ibinibigay sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 18:5Tutuparin nga ninyo ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kahatulan: na ikabubuhay ng mga taong magsisitupad: ako ang Panginoon.
Leviticus 19:37At inyong iingatan ang lahat ng aking palatuntunan, at ang lahat ng aking kahatulan, at inyong isasagawa: ako ang Panginoon.
Leviticus 22:31Kaya't inyong iingatan ang aking mga utos, at inyong tutuparin: ako ang Panginoon.
Deuteronomy 4:8At anong dakilang bansa nga, ang may mga palatuntunan at mga kahatulang napaka-tuwid na gaya ng buong kautusang ito, na aking inilalagda sa harap ninyo sa araw na ito?
Deuteronomy 4:45Ito ang mga patotoo, at ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan, na sinalita ni Moises sa mga anak ni Israel, nang sila'y lumabas sa Egipto;
Deuteronomy 5:33Kayo'y lalakad ng buong lakad na iniutos sa inyo ng Panginoon ninyong Dios, upang kayo'y mabuhay, at upang ikabuti ninyo, at upang inyong mapalawig ang inyong mga araw sa lupain na inyong aariin.