Deuteronomio 7:16
At iyong lilipulin ang lahat ng mga bayan na ibibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios; ang iyong mata ay huwag mahahabag sa kanila; ni huwag kang maglilingkod sa kanilang mga dios; sapagka't magiging isang silo sa iyo.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 23:33Sila'y hindi tatahan sa iyong lupain, baka papagkasalahin ka nila laban sa akin: sapagka't kung ikaw ay maglingkod sa kanilang mga dios, ay tunay na magiging silo sa iyo.
Numbers 33:55Nguni't kung hindi ninyo palalayasin ang mga nananahanan sa lupain sa harap ninyo; ay magiging parang mga tibo nga sa inyong mga mata, at parang mga tinik sa inyong mga tagiliran ang mga ititira ninyo sa kanila, at kanilang babagabagin kayo sa lupain na inyong tinatahanan.
Deuteronomy 12:30Ay magingat ka na huwag masilong sumunod sa kanila, pagkatapos na sila'y malipol sa harap mo; at huwag kang magusisa ng tungkol sa kanilang mga dios, na magsabi, Paanong naglilingkod ang mga bansang ito sa kanilang mga dios? na gayon din ang gagawin ko.
Deuteronomy 13:9Kundi papatayin mo nga; ang iyong kamay ang mangunguna sa kaniya upang patayin siya, at pagkatapos ay ang kamay ng buong bayan.
Deuteronomy 19:21At ang iyong mata'y huwag mahahabag: buhay kung buhay, mata kung mata, ngipin kung ngipin, kamay kung kamay, paa kung paa.
Joshua 23:13Ay tatalastasin ninyong lubos na hindi pa palalayasin ng Panginoon ninyong Dios ang mga bansang ito sa inyong paningin: kundi sila'y magiging silo at lalang sa inyo, at panghampas sa inyong tagiliran at mga tinik sa inyong mga mata hanggang sa kayo'y malipol dito sa mabuting lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios.