Ang Mangangaral 12:2
Bago ang araw, at ang liwanag, at ang buwan, at ang mga bituin ay magdilim, at ang mga alapaap ay magsibalik pagkatapos ng ulan.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Read all of Ang Mangangaral 12
Cross References
Genesis 48:10Ang mga mata nga ni Israel ay malabo na dahil sa katandaan, na ano pa't hindi na siya makakita. At kaniyang inilapit sila sa kaniya; at sila'y kaniyang hinagkan, at niyakap.
1 Samuel 4:15Si Eli nga'y may siyam na pu't walong taon na; at ang kaniyang mga mata'y malalabo na, siya'y di na makakita.
Psalms 42:7Kalaliman ay tumatawag sa kalaliman sa hugong ng iyong mga baha: lahat ng iyong alon at ang iyong malaking alon ay nagsitabon sa akin.
Psalms 77:16Nakita ka ng tubig, Oh Dios; nakita ka ng tubig, sila'y nangatakot: ang mga kalaliman din naman ay nanginig.
Isaiah 5:30At ang mga yao'y magsisiangal laban sa kanila sa araw na yaon na gaya ng hugong ng dagat: at kung tingnan ang lupain, narito, kadiliman at kahirapan, at ang liwanag ay magdidilim sa mga ulap niyaon.