Exodo 15:22
At pinatnubayan ni Moises ang Israel mula sa Dagat na Mapula, at sila'y lumabas sa ilang ng Shur; at sila'y lumakad na tatlong araw sa ilang, at hindi nakasumpong ng tubig.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 16:7At nasumpungan siya ng anghel ng Panginoon sa tabi ng isang bukal ng tubig sa ilang, sa bukal na nasa daang patungo sa Shur.
Exodus 3:18At kanilang didinggin ang iyong tinig: at ikaw ay paroroon, ikaw at ang mga matanda sa Israel, sa hari sa Egipto, at inyong sasabihin sa kaniya, Ang Panginoon, ang Dios ng mga Hebreo, ay nakipagtagpo sa amin: at ngayo'y pahintulutan mo kami na maglakbay, na tatlong araw sa ilang, upang kami ay makapaghain sa Panginoon naming Dios.
Numbers 33:8At sila'y naglakbay mula sa tapat ng Hahiroth, at nagsipagdaan sa gitna ng dagat hanggang sa ilang: at sila'y naglakbay na tatlong araw sa ilang ng Etham at humantong sa Mara.