Exodo 17:2
Kaya't ang bayan ay nakipagtalo kay Moises, at nagsabi, Bigyan mo kami ng tubig na aming mainom. At sinabi ni Moises sa kanila, Bakit kayo nakikipagtalo sa akin? bakit ninyo tinutukso ang Panginoon?
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 5:21At sinabi nila sa kanila, Kayo nawa'y tunghan ng Panginoon, at hatulan; sapagka't ang aming katayuan ay ginawa mong nakamumuhi sa mga mata ni Faraon, at sa mga mata ng kaniyang mga lingkod, na naglagay ng tabak sa kanilang kamay upang kami ay patayin.
Exodus 15:24At inupasala ng bayan si Moises, na sinasabi, Anong aming iinumin?
Exodus 17:7At tinawag nila ang pangalan ng dakong yaon, na Massah at Meribah, dahil sa pakikipagtalo ng mga anak ni Israel, at dahil sa kanilang tinukso ang Panginoon, na kanilang sinasabi, Ang Panginoon ba'y nasa gitna natin o wala?
Numbers 14:2At inupasala ng lahat ng mga anak ni Israel si Moises at si Aaron: at sinabi sa kanila ng buong kapisanan, Nangamatay na sana tayo sa lupain ng Egipto! o kaya'y nangamatay na sana tayo sa ilang na ito!
Numbers 20:2At walang tubig na mainom ang kapisanan; at sila'y nagpulong laban kay Moises at laban kay Aaron.
Deuteronomy 6:16Huwag ninyong tutuksuhin ang Panginoon ninyong Dios, gaya ng tuksuhin ninyo siya sa Massah.