Exodo 18:11
Ngayo'y aking natatalastas na ang Panginoon ay lalong dakila kay sa lahat ng mga dios: oo, sa bagay na ipinagpalalo ng mga Egipcio laban sa mga Hebreo.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 1:10Hayo't tayo'y magpakadunong sa kanila; baka sila'y dumami, at mangyari, na, pagka nagkadigma, ay makisanib pati sila sa ating mga kaaway, at lumaban sa atin, at magsilayas sa lupain.
Exodus 1:22At iniutos ni Faraon sa kaniyang buong bayan, na sinasabi, Itatapon ninyo sa ilog bawa't lalake na ipanganak, at bawa't babae ay ililigtas ninyong buhay.
Exodus 5:7Huwag na ninyong bibigyan ang bayan, ng dayami sa paggawa ng laryo, na gaya ng dati: sila ang pumaroon at magtipon ng dayami sa ganang kanilang sarili.
Exodus 10:3At pinasok ni Moises at ni Aaron si Faraon at sinabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga Hebreo, Hanggang kailan tatanggi kang mangayupapa sa harap ko? payaunin mo ang aking bayan, upang ako'y mapaglingkuran nila.
Exodus 14:8At pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon na hari sa Egipto, at hinabol niya ang mga anak ni Israel, sapagka't ang mga anak ni Israel ay nagsialis na may lubos na pagkakatiwala.
Exodus 15:11Sinong gaya mo, Oh Panginoon, sa mga dios? Sinong gaya mo, maluwalhati sa kabanalan, Nakasisindak sa pagpuri, na gumagawa ng mga kababalaghan?