Exodo 24:3
At lumapit si Moises at isinaysay sa bayan ang lahat ng mga salita ng Panginoon, at ang lahat ng mga palatuntunan. At ang buong bayan ay sumagot ng paminsan, at nagsabi, Lahat ng mga salita na sinalita ng Panginoon, ay aming gagawin.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 19:8At ang buong bayan ay sumagot na magkakaisa, at nagsabi, Yaong lahat na sinalita ng Panginoon ay aming gagawin. At ipinagbigay alam ni Moises ang mga salita ng bayan sa Panginoon.
Exodus 24:7At kaniyang kinuha ang aklat ng tipan, at binasa sa pakinig ng bayan: at kanilang sinabi, Lahat ng sinalita ng Panginoon ay aming gagawin, at kami ay magmamasunurin.
Deuteronomy 4:5Narito, aking tinuruan kayo ng mga palatuntunan at ng mga kahatulan, na gaya ng iniutos sa akin ng Panginoon kong Dios upang inyong gawing gayon sa gitna ng lupain na inyong paroroonan upang ariin.
Deuteronomy 5:1At tinawag ni Moises ang buong Israel, at sinabi sa kanila, Dinggin mo, Oh Israel, ang mga palatuntunan at mga kahatulan na aking sinalita sa inyong mga pakinig sa araw na ito, upang matutunan ninyo sila, at ingatan at isagawa sila.
Deuteronomy 5:31Nguni't tungkol sa iyo, matira ka rito sa akin, at aking sasalitain sa iyo ang lahat ng utos, at ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan, na iyong ituturo sa kanila, upang kanilang gawin sa lupain na aking ibinibigay sa kanila upang ariin.
Deuteronomy 11:1Kaya't iyong iibigin ang Panginoon mong Dios, at iyong susundin ang kaniyang bilin, at ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga kahatulan, at ang kaniyang mga utos kailan man.