Exodo 25:14
At iyong isusuot ang mga pingga sa loob ng mga argolya, sa mga tagiliran ng kaban, upang mabuhat ang kaban.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
13At gagawa ka ng mga pingga na kahoy na akasia at iyong babalutin ng ginto.
15Ang mga pingga ay masusuot sa loob ng mga argolya ng kaban: hindi aalisin doon.
Cross References
Exodus 25:27Malalapit sa gilid ang mga argolya, sa daraanan ng mga pingga, upang madala ang dulang.
Exodus 30:4At igagawa mo yaon ng dalawang argolyang ginto sa ilalim ng kornisa, sa dakong itaas ng dalawang tagiliran iyong gagawin; at magiging suutan ng mga pingga upang mabuhat.
1 Chronicles 15:2Nang magkagayo'y sinabi ni David, Walang makapagdadala ng kaban ng Dios kundi ang mga Levita: sapagka't sila ang pinili ng Panginoon upang magsipagdala ng kaban ng Dios, at upang mangasiwa sa kaniya magpakailan man.